P34-M SHABU NAKUMPISKA SA 3 DRUG SUSPECTS

shabu

TAWI-TAWI- AABOT sa P34 milyon ang halaga ng shabu na nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Marines, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa tatlong drug suspects na kanilang nadakip sa operasyon sa Barangay Poblacion, Bongao, kahapon ng umaga.

Sa ulat ni AFP Western Mindanao Command Spokesperson Major Arvin Encinas alas-8:30 ng umaga nang isagawa ang operasyon.

Kung saan nakuha ang limang kilo ng shabu na may estimated market value na P34 milyon.

Nakuha ito sa mga drug suspect na sina Haberson Jaafar, Elmer Jamadin, at Adzfar Asali na ngayon ay nakakulong na at nahaharap sa kasong  paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165. REA SARMIENTO