NAGPALABAS ang Department of Budget and Management (DBM) ng P356.86 billion sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para sa pagtugon sa krisis na dulot ng COVID-19.
Sa briefing sa Malakanyang, sinabi ni Budget Secretary Wendel Avisado na may kabuuang P353,860,215,840.25 ang ipinalabas hanggang Mayo 28, 2020 sa iba’t ibang ahensiya at departamento upang suportahan ang COVID- related interventions.
“This was made possible through the Bayanihan to Heal as One Act, which authorized the president to realign, reallocate, and reprogram both the 2019 and 2020 budgets,” ani Avisado.
Sa kabuuang budget na ipinalabas, P246,526,427, 356 ay nagmula sa savings, P96,717,896,630,000 sa unprogrammed appropriations, at P10,615,891,854.25 ang kinuha sa reprogramming ng existing programs, activities, and projects (P/A/Ps).