P4-B UTANG NG GRAB SA PASSENGERS

Rep-Jericho-Nograles

MAHIGIT sa P4 billion ang pag­kakautang ng Grab Philippines sa mga pasahero nito makaraang magpatupad ito ng illegal P2 per minute na travel charge sa loob ng 10 buwan, ayon kay PBA par­tylist Rep. Jericho Nograles.

Ginawa ni Nograles ang pahayag makaraang atasan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Grab na isauli sa mga pasahero nito ang sobrang singil sa pamamagitan ng rebates.

“The LTFRB Order confirms that Grab Philippines has engaged in illegal overchar­ging affecting 67 million total rides from June 2017 to April 2018. They have lied to and cheated their riders and have also endangered the livelihood of their partner-drivers,” wika ni Nograles.

Ayon kay Nograles, ang bawat  Grab ride ay tinatayang tatagal ng hanggang 30 minuto. Para sa kabuuang 67 million rides sa loob ng 10 buwan, ang sobrang singil ay aabot, aniya, sa P4.02 billion.

“This whopping figure doesn’t even take into account price surge which could double the fare cost for the distance traveled. Grabe po ang tinabo sa atin ng Grab,” sabi pa ng kongresista.

Ipinaliwanag ni Nograles na ang multa at rebate ay dapat mag-isang pasanin ng Grab dahil ipinatupad ito ng kompanya nang hindi nalalaman ng mga driver nito.

Nagbabala si Nograles na magsasampa siya ng kasong kriminal laban sa Grab kung kukunin sa mga driver nito ang multang ipinataw ng ­LTFRB.

“Walang kinalaman ang mga driver sa illegal na patong. If Grab will charge the drivers, I will be the first to file a criminal case versus Grab management,” ani Nograles.

Aabot sa P10 milyon ang multa ng Grab dahil sa ilegal na paniningil ng dagdag na P2 per minute na travel charge sa mga pasahero.  CONDE BATAC

Comments are closed.