P4,000 SHABU NAREKOBER SA ANTI-DRUG OPS

SHABU 

QUEZON CITY – NASAMSAM ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ni Director, Police Brigadier Ge­neral Joselito T. Esquivel Jr. sa tatlong suspek ang P476,000 halaga ng shabu sa kasalukuyang anti-illegal drug ope­rations ng iba’t ibang drug enforcement units ng Quezon City.

Kinilala ni Esquivel ang tatlong suspek na sina Kamim Sharif alyas Moklo, 28-anyos, ng  Montalban, Rizal; Mangopia Panod, 56-anyos, ng  San Miguel, Pangasinan at  Ricardo Alquicer, 28-anyos, ng Brgy. Batasan Hills sa buy bust operation ng mga tauhan ng Fairview Police Station (PS 5) sa ilalim ni PLt. Col. Benjamin Gabriel Jr., alas-10:10 ng gabi noon lamang Hun­yo 19, sa kahabaan ng Camaro St., Brgy. Greater Fairview.

Nakuha mula sa suspek ang 70 gramo ng shabu na may street va­lue na P476,000 at ang  the buy-bust money na ginamit sa operasyon. PAULA ANTOLIN

Comments are closed.