UMABOT sa P415.898 billion ang binayarang utang ng national government sa first half ng taon, kung saan mas mataas ang amortization sa interest payments para sa naturang panahon, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).
Sa pinakabagong datos mula sa BTr, ang P415.898 billion na binayaran ng gobyerno para sa utang nito sa unang anim na buwan ng taon ay mas mataas ng 9.9 percent sa P378.369 billion na naitala sa kaparehong panahon noong 2017.
Ang amortization ay nasa P250.388 billion habang ang interest payments ay P165.510 billion. Ang amortization para sa six month period ay nagpakita ng 10.4 porsiyentong pagtaas kumpara sa P226.792 billion noong nakaraang taon, habang ang interest payments ay nagtala ng 9.1 porsiyentong pagtaas kumpara sa P151.577 billion na naitala sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.
“Under domestic amortization, redemptions accounted for P170.388 billion which is made up of payments to the government’s Bond Sinking Fund (BSF) of P169.517 billion and to the assistance of Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) of P871 million,” paliwanag ng BTr.
Ang foreign amortization ay nasa P29.928 billion na may global bond exchange payments na P50.072 billion hanggang end June ngayong taon.
“Under domestic interest payments, the government paid out a total of P114.572 billion, with P79.095 billion going to fixed rate Treasury bonds, P30.269 billion to Retail Treasury Bonds, and P4.146 billion for Treasury bills.”
Ang foreign interest payments ay umabot sa kabuuang P50.938 billion hanggang noong katapusan ng Hunyo 2018.
Para sa buwan pa lamang ng Hunyo, ang debt payments ng gobyerno ay nasa P30.756 billion, mas mataas ng 22.8 percent sa P25.043 billion noong nakaraang taon.
Ang gobyerno ay nanghiram ng pondo kapuwa mula sa onshore at offshore lenders upang suportahan ang iba’t ibang programa nito, kabilang ang infrastructure build up projects at social programs.
“[Commercial borrowings] is really for financing our deficit, our amortization, because we have maturities that we have to fund…our cash flow is very strong because of the revenue collections, the performance of the revenue agencies,” wika ni National Treasurer Rosalia V. de Leon. REA CU
Comments are closed.