KASUNOD ng kanilang pagsang-ayon sa pangangailangang maipatupad ang ‘Bayanihan to Arise As One Act’ o ang magiging ikatlong bersiyon ng Bayanihan Law, pinag-aaralan na ngayon ng top economic managers ng bansa ang mga maaaring mapagkuhanan ng pondo para sa naturang panukalang batas.
Ito ang ipinabatid ni Speaker Lord Allan Velasco matapos ang virtual meeting niya kina Department of Finance (DoF) Secretary Carlos Dominguez III at Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado kamakailan.
Ayon sa Marinduque province lawmaker, ang Bayanihan 3, sa ilalim ng inihain niya at ni House Deputy Minority Leader Stella Luz Quimbo (Marikina City 2nd Dist.) na House Bill No. 8628, ay maituturing na lifeline o magsasalba sa patuloy na nalulugmok na ekonomiya ng bansa, gayundin sa kabuhayan ng milyong-milyong Filipino bunsod ng umiiral na pandemya.
Kaya naman ikinalugod ni Velasco ang pagtitiyak nina Dominguez at Avisado na hahanapan ng pondo ang Bayanihan 3 upang umusad ang hakbangin na pag-apruba dito ng Kongreso at ganap na rin itong maipatupad sa lalong madaling panahon.
“I am very thankful to Secretary Dominguez and Secretary Avisado for recognizing the importance of Bayanihan 3 in addressing financial gaps to better manage the government’s response to the impact of the pandemic,” pahayag pa ng House Speaker.
“Our economic managers see Bayanihan 3 as a lifeline for many Filipinos facing economic hardship during this crisis, and I’m very glad that we are aligned on this,” dagdag niya.
Sa ilalim ng HB 8628, iminungkahi nina Velasco at Quimbo ang paglalaan ng P420 bilyon sa layuning mapabilis ang economic recovery ng bansa sa gitna ng COVID-19 crisis.
Partikular na tinukoy sa Bayanihan 3 ang pagkakaroon ng P108 bilyon para sa social amelioration ng mga pamilyang naapektuhan ng national health crisis, P100 bilyon para sa capacity-building ng iba’t ibang impacted sectors, P52 bilyon bilang wage subsidies, P70 bilyon para sa capacity-building ng agricultural producers, P30 bilyon na gagamitin bilang internet allowances ng mga estudyante at guro, P30 bilyon para matulungan ang mga manggagawang nawalan ng trabaho, P25 bilyon para sa COVID-19 treatment at vaccines, at P5 bilyon para sa rehabilitasyon ng mga lugar na sinalanta ng nakaraang pagbabaha at bagyo.
“Under the measure, each household member will receive P1,000 regardless of their economic status. On top of this, a P1,000 allowance will be provided to each student and teacher, and P8,000 for every displaced worker,” paliwanag pa ni Velasco.
Sa kasalukuyan, ang HB 8628 ay nakabimbin sa House Committee on Economic Affairs, na bumuo na rin ng technical working group upang pag-isahin na lamang ang lahat ng Bayanihan 3-related measures kung saan umaasa ang lider ng Kamara na maaprubahan na ito sa committe level bago ang kanilang pagbabalik-sesyon sa Mayo 17. ROMER R. BUTUYAN
775106 742635Hey there guys, newbie here. Ive lurked about here for slightly while and thought Id take part in! Looks like youve got quite a good spot here 455481
515756 213742I always was interested in this topic and nonetheless am, thankyou for posting . 618391
103570 212900Some genuinely fantastic blog posts on this internet site , thankyou for contribution. 620513
453723 733881Nice read, I just passed this onto a colleague who was performing some research on that. And he really bought me lunch as I discovered it for him smile So let me rephrase that: Thank you for lunch! 396307