MAAARING umabot sa P5.024 trillion ang panukalang national budget para sa 2022, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).
Sa Laging Handa briefing kahapon, sinabi ni Budget Secretary Wendel Avisado na ang halaga ay mas mataas sa 2021 proposed budget
“Ginagawa po lahat ng ating pamahalaan na sa 2022 inihahanda na natin ang budget call natin, aangat ng about 11.5 percent ang level ng ating proposed budget,” sabi ni Avisado.
Ang panukalang national budget para sa 2021 ay P4.506 trillion.
Ginawa ni Avisado ang pahayag sa harap ng pagtaya ng mga economic manager na babawi ang GDP mula 6.5% hanggang 7.5% sa 2021 sa 8% hanggang 10% sa 2022.
“Next year inaasahan na instead na sa ngayon nag-negative tayo ay babalik tayo sa positive hopefully between 6.5 – 7.5 ang economic growth natin at tataas ito sa around 10 sa 2022,” aniya.
Comments are closed.