KAKAILANGANIN ng Department of Education (DepEd) ang nasa P5.6-B na halaga upang maisaayos ang mga nasirang paaralan, modules at iba pang mga kagamitan ng mga guro at estudyante matapos ang naging pananalasa ng mga nagdaang bagyo sa iba’t-ibang parte ng Luzon.
Ayon kay DepEd laoag Public Affairs Service Director June Arvin Gudoy, sinabi nito na sana’y agad na maaprubahan ng mga mambabatas ang pondo ng DepEd kasabay ng nakatakdang budget deliberation ng senado hinggil dito.
Hindi naman inaalis ni Gudoy na dahil sa paghagupit nina typhoon Rolly at Ulysses, maraming school records ang maaring naglaho o naanod dahil sa mga pagbaha.
Umaasa naman ang kagawaran ng edukasyon na mapapalitan agad ang mga nasirang modules ng mga estudyante upang hindi na maantala ang kanilang pag-aaral. DWIZ882
Comments are closed.