NAGKAKAHALAGA ng P5 milyon ang cocaine na narekober sa karagatang sakop ng bayan ng Jomalig, Quezon.
Inaalam na rin ng awtoridad sa Quezon province ang pinagmulan ng nasabing droga.
Batay sa ulat ng Quezon Provincial Police Office, isang Jose Mercado ang nag-turn over sa lokal na pamahalaan matapos makakita ng kahina-hinalang package sa baybayin ng Brgy. Apad.
Agad din naman idinulog ng local government unit sa pulisya ang package kung saan nakita ang isang bloke ng pinaniniwalaang cocaine.
Agad namang itinurnover sa crime laboratory ng provincial police ang package para sa examination at wala pang beripikasyon kung ito nga ay cocaine. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.