P5-M GRAB REFUND KULANG PA

GRAB PH-2

HINILING ng isang kongresista sa Philippine Competition Commission (PCC) na isiwalat kung paano nito nabuo ang halaga na iniutos nito sa Grab Philippines na ibalik sa mga rider nito.

Ayon kay PBA party-list Rep. Jericho Nograles, maaaring nagkamali ng pagkalkula ang anti-trust watchdog sa ₱5.05 million refund na iniutos nito sa ride-hailing company, at idinagdag na ang halaga ay maaaring mas malaki pa.

“My challenge to the PCC is for them to come out with calculation of the ₱5.05 million because it’s entirely possible that the PCC miscalculated the overcharging,” wika ni Nograles, at sinabing hindi malinaw kung paano nabuo ng regulator ang numero.

“Basically I’m not convinced that ₱5.05 million is a correct amount. I think it might be more,” anang kongresista.

Magugunitang inatasan ng PCC ang Grab na isauli ang sobra-sobrang pasahe na siningil nito mula Pebrero hanggang Mayo ng taong ito.

Binigyan ng anti-trust body ang Grab ng dalawang buwan o 60 araw para tumalima sa direktiba na may petsang Nobyembre 14, 2019 para mag-refund.

Ang newly-imposed refund ay bahagi ng bagong itinakdang kondisyon ng pamahalaan sa Grab upang maprotektahan ang mga consumer dahil ang Grab ay patuloy na nagtatamasa ng ‘virtual monopoly’ sa transportation segment na ito.

Kinuwestiyon ni Nograles kung bakit ang overcharging fine na ipinataw ng PCC ay mas mababa sa ipinatupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) noong 2018.

Noong Hulyo ng nakaraang taon ay pinagmulta ng LTFRB  ang kompanya ng ₱10 million dahil sa sobra-sobrang pasahe na siningil nito. Inatasan din nito ang Grab Philippines na isauli ang ₱2 per minute waiting time charge na ipinatupad ng kompanya nang walang pahintulot ng LTFRB.

Kinuwestiyon din ni Nograles ang pagpapa­labas ng PCC ng direktiba gayong ang LTFRB, aniya, ang ahensiya na dapat na gumawa nito.

“There is something wrong because the main regulator of Grab should be the LTFRB. However the PCC has jurisdiction over companies that may act as monopoly,” anang kongresista.

“The bigger question is where is LTFRB? The LTFRB should be the one who would say there is over charging. Ano, natutulog ba sila sa pansitan?” dagdag pa niya.

Tinangka ng CNN Philippines na kuhanan ng komento ang PCC, subalit wala pang tugon ang ahensiya.  CNN PHILIPPINES

Comments are closed.