P50-K REWARD SA GUNMAN NG MINDORO BRODKASTER

ORIENTAL MINDORO-NAG-ALOK ng P50,000 reward ang Presidential Task Force on media Security (PTFoMS), para sa makakapagbigay ng anumang impormasyon sa gunman na pumatay sa Mindoro Oriental radio blocktimer na si Cresenciano ‘Cris’ Aldovino Bunduquin, 50-anyos na binaril ng riding in tandem nitong Mayo 31 sa Brgy. Sta. Isabel, Calapan City sa lalawigang ito.

Kasabay nito, ipinaaabot din ni PTFoMS Usec. Paul Gutierrez kasama ang Presidential Communications Office at Department of Justice, ang kanilang taos-pusong pakikiramay sa pamilya at mga kaibigan ni Bunduquin.

Si Bunduguin ang ikalawang radio blocktimer na pinatay simula Oktubre 2022, una ay si Percival ‘Percy Lapid’ Mabasa.

“Absent of evidence to the contrary, his death is now deemed ‘work-related’ to facilitate the investigation.” Ani Gutirrez.

“We commend the Philippine National Police under Director General Benjamin Acorda, the PRO4-B under RD P/BGen. Joel Doria for the immediate operationalization of the existing mechanism agreed between the PTFoMS and the PNP for such an incident thru the creation of SITG Bunduquin headed by Mindoro Oriental PD Col. Samuel Delorino,” ani Gutierrez.

Pinuri rin nito ang Presidential Anti-Organized Crime Commission sa ilalim ni Executive Director Gilbert Cruz sa pagtitiyak sa buong suporta sa PTFoMS sa paglutas sa krimen.

Sa ngayon nananatili pang at large ang gunman at patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad habang hawak na ng pulisya ang driver ng mortorsiklo .

Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, hinimok ni Gutierrez ang mga kasamahan sa media na huwag makisali sa anumang haka-haka at sa halip ay mag-ambag sa agarang paglutas nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng positibo at tamang impormasyon para sa mabilis na paglutas sa kaso.

Ang nasabing reward ay ibinigay ng isang indibidwal na hindi na nagpabanggit pa ng kanyang pangalan.
PAUL ROLDAN