BAGUIO CITY — MAKAKATIPID ng milyon milyong piso laban pagkalat ng virus ang Lokal na pamahalaan ng Baguio City makaraang mag- donate ang hindi kilalang pribadong kompanya ng P500 milyong halaga ng COVID-19 test kits at personal protection equipment (PPEs) sa Baguio City government.
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong,, ang 170, 000 test kit na nagkakahalaga ng P500 milyon ay mabibiyayaan din ang Cordillera Administrative Region, mga munisipalidad at mga lalawigan.
Gayunpaman, umabot lamang sa P20 milyon ang ginastos ng Baguio LGU para makabili ng PPE dahil nakatanggap din sila ng donasyon mula sa ibat ibang pribado at public firm kung saan umabot sa P100 milyong halaga.
Ayon pa kay Mayor Magalong na ang malaking bahagi ng donated items ay ipapamahagi sa lalawigan ng Cordillera at sa mga pribadong ospital.
Bukod sat test kits at PPEs, nakatanggap din ang Baguio LGU ng medical equipment tulad ng polymerase chain reaction machines at automated extraction machines,
Ayon naman kay City Accountant Antonio Tabin, ang disbursement ng pondo na kanilang natanggap sa national government ay naayon sa Bayanihan to Heal as One Act guidelines. MHAR BASCO
Comments are closed.