P50K SA VOLUNTEER DOCTORS HANDANG IBIGAY NG SOLONS

PUBLIC HOSPITAL DOCTORS

NAKAHANDA ang mga mambabatas na maglaan ng bayad sa volunteer health workers na katumbas ng sahod ng kanilang counterparts na newly-hired ng gobyerno sa pakikipaglaban ng bansa sa COVID-19 pandemic, ayon kay ACT-CIS party-list  Rep. Eric Go Yap.

Nauna nang humingi ng paumanhin ang Department of Health (DOH) sa pag-aalok ng P500 daily pay sa volunteer doctors at nurses.

“Volunteer doctors should be hired and paid at least P50,000 a month, which is the entry-level salary grade for government-hired physicians, while nurses should receive at least P22,000,” ayon kay Dr. Geneve Reyes, secretary-general ng Health Action for Human Rights.

“At dapat po, ‘yung quarantine of 14 days after tour of duty, dapat sagutin nila ’yun,” sabi pa ni Reyes.

Ayon kay Yap, chairman ng House Committee on Appropriations, may posibilidad na pondohan ang  inirerekomendang suweldo para sa volunteer health workers kung saan sa pagtaya ng pamahalaan ay aabot ito ng mahigit sa P40 million.

“Kami po, willing po kaming  ibigay ’yun dahil sa totoo lang ngayon, parang giyera ito, eh. Pagka naging volunteer ka, hindi puwedeng sabihin na volunteer ka lang, extra lang ‘yung trabaho mo,” aniya.

Sinabi pa ni Yap na maaaring irekomenda ng Kongreso sa Palasyo na kunin ang pondo sa P275 billion budget na inilaan para sa COVID-19 crisis.

Maaari rin aniyang isulong ang P1.6 billion supplemental budget.

Comments are closed.