P52-M DAGDAG NA KITA NG BOC SA AUCTION NG ABANDONADONG ASUKAL

Commissioner Isidro Lapeña

TINATAYANG  kikita ng P52.2 milyon ang Bureau of Customs (BOC) sa gagawing auction sale  bukas, Agosto 31 sa mga abandonadong kargamento sa Port of Manila (POM).

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, ang auction sale na ito ay batay sa ilalim ng Section 1139 to 1150  ng Republic Act No. 10863, iyong tinatawag na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), Customs Memorandum Orders at Customs Administrative Orders.

Nabatid mula sa Auction and Cargo Disposal Division (ACDD) ng Port of Manila na ang mga kargamentong kasama sa auction sale ay ang (1) sale  lot of high fructose corn syrup na nagkakahalaga ng P1.18-M at tatlong sale lots ng refined sugar na aabot sa P51-M ang floor price.

Kasama rito ang sampung 20-footer containers ng high fructose corn syrup at 60 20-footer containers sacks ng refined sugar.

Ang  sinasabing mga asukal na  inabandona ng Red Star Rising Corp. ay unang idineklarang mga packaging materials, kitchen utensils, at kraft paper.

Ang mga opisyal ng Red Star Rising Corp. ay nahaharap sa mga kasong kriminal dahil sa paglabag sa Sec-tion 1401 (Unlawful importation) in relation to Section 117 Regulated Importation and Exportation of the CMTA and Section 3 of R.A. 10845  o kilala  bilang An Act Declaring Large-Scale Agricultural Smuggling As Economic Sabotage.   FROI M.

Comments are closed.