P533-M PINSALA SA AGRI NI ‘FABIAN’

TINATAYANG aabot sa P533.54 million ang pinsala sa agrikultura ng hanging Habagat na pinalakas ng bagyong Fabian hanggang kahapon, Hulyo 28, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sinabi ng Risk Reduction and Management Operations Center ng DA na ang pinsala ay natamo ng 22,516 magsasaka sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region at  Western Visayas.

Ang mga apektadong  commodities ay kinabibilangan ng  rice, corn, high-value crops at livestock.

Ang DA ay may standby funds para sa mga naapektuhan ng malakas na pag-ulan.

Wala namang iniulat na pinsala sa mga kalsada at tulay sa Cordillera, Ilocos Region, Cagayan Valley, Calabarzon at Mimaropa na maaaring makaapekto sa suplay ng pagkain.

4 thoughts on “P533-M PINSALA SA AGRI NI ‘FABIAN’”

  1. 51593 619384Im not sure why but this weblog is loading incredibly slow for me. Is anyone else having this issue or is it a problem on my finish? Ill check back later and see if the dilemma nonetheless exists. 190023

Comments are closed.