P548-M ISINAULI NG DOLE

MAY KABUUANG P548.3 milyon ang halagang isinauli ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Bureau of Treasury (BTr) na sobrang verification fee at interest na kinolekta ng 29 Philippine Overseas Labor Office (POLO).

Ito ang ulat ni Director Warren Miclat ng DOLE-Financial Management Service kay Labor Secretary Silvestre H. Bello III.

Ang ini-remit sa BTr nitong 2018 ay mas mataas ng P110.044 milyon mula sa P438.256 mil­yon na ini-remit noong 2017.

Ang mga nasabing remittance ay nakatutulong sa pamahalaan upang punan ang kinakailangang pondo para sa implementasyon ng mga pa­ngunahing proyekto.

Pinapangasiwaan ng POLO ang pangongolekta ng verification fee bilang service fee para sa beripikasyon ng overseas employment contract na ipin-apakita ng mga prospective employer, principal o employment agency ng host country at/o ng kanilang authorized representative bago ito matatakan ng awtorisadong opisyal ng Department of Foreign Affairs ng embahada.

Itinakda ng DOLE/DFA/DBM/DOF/COA Joint Circular No.3-99 na ang natirang koleksiyon ng verification fee na kinolek­ta ng POLO na dapat ibalik sa BTr matapos tanggalin ang mga nararapat na ibawas mula sa Verification Fee Fund at iba pang obligasyon na hindi hihigit sa Advice of Dis-bursement Limits (ADL) na itinakda ng DOLE Central Office sa nasabing taon, kasama ang allowable buffer fund katumbas ng first quarter requirement ng POLO para sa susunod na taon.

Ang Advice of Disbursement Limits naman ay isang dokumento na iniisyu ng DOLE-Central Office sa Office of the Labor Attaché kung saan itina-takda ang kabuuang halaga na maaari nitong gamitin bilang pambayad. PAUL ROLDAN

Comments are closed.