P582-M NAKOLEKTA NG BIR SA 196 IPINASARANG ESTABLISIMIYENTO

BIR-2

NAKAKOLEKTA ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng kabuuang P582.5 million na buwis mula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon mula sa 196 commercial establishments na ipinadlak dahil sa kabiguang magparehistro o magbayad ng tamang halaga ng buwis.

Ayon kay BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa, ang  bureau ay nakalikom ng karagdagang P34.5 million na buwis sa huling quarter mula sa 18 iba pang establisimiyento na ipinasara sa ilalim ng Oplan Kandado program.

Sa report kay Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III sa DOF executive committee (Execom) meeting kamakailan, sinabi ni Guballa na may  103 complaints na may kaugnayan sa tinatayang P4.96 billion na tax liabilities na inihain ng bureau sa Department of Justice (DOJ) ang kasaluyang sumasailalim sa preliminary investigation.

Aniya, ang operasyon na isinagawa laban sa mga ipinasarang 196 establisimiyento ay alinsunod sa Revenue Memorandum Or-der (RMO) No. 3-2009, o mas kilala bilang Oplan Kandado Program.

Noong nakaraang taon ay nakakolekta ang  BIR ng kabuuang P1.92 billion sa ilalim ng Oplan Kandado program nito na resulta ng temporary closure ng 743 establishments para sa iba’t ibang paglabag sa various National Internal Revenue Code.

Comments are closed.