CAMP CRAME – AABOT sa P6 bilyon ang halaga ng mid-year bonus ng may 190,000 puwersa ng Philippine National Police (PNP).
Gayunman, mahigpit na bilin ni PNP Chief Chief, DG Oscar Albayalde sa kaniyang mga tauhan na ibigay agad sa kani-kanilang misis ang ATM (automated teller machine) card kung saan nakadeposito ang mid-year bonus.
Sinabi naman ni Albayalde na mayroong hindi makatatanggap ng mid-year bonus at ang mga ito ay pawang kinasuhan at nakatanggap ng parusa na mas mataas sa reprimand ngayong taon.
Ayon Kay Albayalde, umaabot sa 1,988 ang bilang ng mga pulis na hindi nakatanggap ng kanilang bonus.
Kasama aniya dito ang mahigit 800 pulis na pinatawan niya ng suspensiyon sa iba’t ibang administrative offenses noong siya’y nasa NCRPO pa.
Saklaw ng karapatang tumanggap ng bonus ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nasa ilalim ng Department of National Defense at mga uniformed personnel ng Philippine National Police, Philippine Public Safety College, Bureau of Fire Protection, at Bureau of Jail Management and Penology ng Department of the Interior and Local Government, Philippine Coast Guard na nasa ilalim ng Department of Transportation, National Mapping and Resource Information Authority ng Depart-ment of Environment and Natural Resources.
Noong May 16 ay ibinaba ng Department of Budget and Management (DBM) ang go signal para ilabas ang inilaang P36.2-B para sa mid-year bonus ng mga sundalo, pulis at iba pang uniformed personnel.
At ayon sa Budget Circular 2016-3, ang mid-year bonus ay kailangan ibigay nang hindi lalagpas sa May 15. VERLIN RUIZ
Comments are closed.