P6-M COCAINE LUMUTANG SA ISABELA

FLOATING COCAINE

NAI-TURNOVER na sa Phlippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2 ang mahigit isang kilo ng cocaine na tinatayang P6 million ang halaga na natagpuan ng mangingisda sa baybayin ng Dituwangan, Bicobia, Divilacan, Isabela.

Batay sa mga tauhan ng Divilacan Police Station at barangay officials doon, ang droga ay nakabalot ng rubberized plastic bag na may brown packaging tape at naglalaman ng powder substance.

Una nang natagpuan ang mangingisda ang kontrabando at ipinaalam sa barangay na siyang nagpaalam sa Naval Intelligence and Security Group – Northern Luzon (NISG-GL) saka ipinasakamay sa Divilacan Police Station.

Ang narekober na cocaine ay agad dinala ni PCapt Geriyell Frogoso, hepe ng Divilacan Police Station sa Isabela Police Provincial Office (IPPO) na siyang nag-turnover sa PDEA Region 2.

Pahayag ni Frogoso na lumabas sa field testing ni PDEA Chemist Jomar Concepcion na positibong cocaine ang nakuha na may bigat na 1.4 kilogram.

Dagdag pa ni Frogoso, alam na ng mga tao sa lugar ang hinggil sa droga at ang masamang epekto nito sa kalusugan kaya ipinasakamay nila sa awtoridad ang kanilang natagpuan sa karagatan. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.