BULACAN – UMAABOT sa P6 milyon ang halaga ng ilegal ng liquefied petroleum gas (LPG) na nakumpiska ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nang salakayin ang isang industrial compound sa Brgy. Mahabang Parang, Sta. Maria sa lalawigang ito.
Nakumpiska sa lugar ang iba’t ibang mga equipment na ginagamit sa illegal na LPG refilling operations.
Ayon kay CIDG Director BGen. Nicolas Torre III, ikinasa ang operasyon sa bisa ng search warrant na inisyu ng Bulacan Regional Trial Court, Branch 21 kaugnay sa paglabag sa Republic Act 5700.
Kabilang dito, ang repainted at refilled lpg cylinders, weighing scales, refilling machines, LPG pumps, compressors at storage tanks na tinatayang nagkakahalaga ng P5.7 million.
Hindi naman inabutan sa lugar ang mga suspek na nasa likod ng illegal na operasyon.
Agad na dinala sa CIDG Regional Field Unit ang mga nakumpiska ebidensya habang patuloy na tinutugis ang mga suspek.
EUNICE CELARIO