P608.5-M PINSALA SA AGRI NI ‘MARING’

DAAN-DAANG milyong pisong halaga ng pinsala sa agrikultura ang iniwan ng bagyong Maring, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sa kanilang latest bulletin, sinabi ng DA na ang pinsala na nagkakahalagang P608.50 million ay naitala sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region at  Western Visayas.

Ayon sa DA, ang production loss ay umabot sa 36,354 metric tons (MT), na nakaapekto sa 29,063 farmers at fishers at 32,882 ektarya ng agricultural areas.

Ang mga apektadong commodities ay kinabibilangan ng  rice, corn, high value crops, livestock, at fisheries.

“These values are subject to validation,” sabi ng ahensiya.

Sa kabila ng milyon-milyong halaga ng losses sa pananalasa ni ‘Maring’, sinabi ng DA na bago ang bagyo, may total area na 28,952 ektarya ng bigas ang inani sa  Regions I at II na may katumbas na produksiyon na 141,635 metric tons na nagkakahalagang P2.08 billion.

“As for corn, a total of 13,776 hectares have been harvested from Region II with an equivalent production of 55,654 metric tons amounting to P779.15 million,” pahayag ng DA.

Sinabi ng DA na nagsasagawa ito ng assessment at validation ng damage at losses na iniwan ni ‘Maring’ sa agri-fisheries sector sa pamamagitan ng kanilang Regional Field Offices (RFOs).

“The DA will continue to coordinate with concerned NGAs (national government agencies), LGUs (local government units) and other DRRM (disaster risk reduction and management)-related offices for the impact of ‘Maring,’ as well as available resources for interventions and assistance.”

Comments are closed.