P65-M MAGAGASTOS NG PBA SA CLARK BUBBLE

Ricky Vargas

GAGASTOS ang Philippine Basketball Association (PBA) ng halos P65 million para sa bubble na itatayo nito sa Clark, Pampanga para sa restart ng liga ngayong Oktubre sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay PBA Board chairman Ricky Vargas, malaking bahagi ng budget ay mapupunta sa accommodations and food ng mga koponan.

“The commission has always stayed away from that question but I’ll tell you, close to P65 million… Ang pinakamalaking parte sa cost is the accommodation and the food,” sabi ni Vargas.

Aniya, naibaba pa nga ng liga ang mga gastusin nang makakuha ito ng discounts.

Nakakuha rin umano sila ng libreng testing kits na kinakailangan para sa mga player.

“Thanks to Clark even the testing is for free, (the cost) could have been more than that,” sabi ni Vargas.

Nagpasiya ang PBA Board na idaos ang bubble nito sa Clark sa pagpapatuloy ng All-Filipino Cup sa October 9.

Ayon kay Vargas, 20 lugar ang kanilang pinagpilian.

“There were about 20 [venues] that we spoke to that want to host the games and do the bubble. Then we brought it down to a manageable 4 to 6, then we had 4 who made their presentation, then there was 3 then there was one,” aniya.

Ang mga koponan ay tutuloy sa Quest Hotel, habang ang mga laro ay gaganapin sa Angeles University Foundation, 10 minuto lamang ang layo sa hotel.

Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, 2 games ang lalaruin araw-araw.

Comments are closed.