CAMP CRAME – AABOT sa P65 million ang halaga ng mga pekeng produkto na nakumpiska ng pulisya ang winasak kahapon.
Isinagawa ang ceremonial destruction kahapon ng umaga sa headquarters ng Philippine National Police na kinabibilangan ito ng mga pekeng cellphones, iba’t ibang pekeng brand ng mga bag, wallet, sapatos, DVD at iba pa.
Kasamang sinira ang Louis Vuitton bags, wallets, cellphone cases na aabot sa P42 million ang halaga; pekeng mga sapatos na P10.12 million ng pekeng rolex na relo na P1.8 million fake Oppo cellphones na nagkakahalaga ng P10 million, pirated DVDs na P58,500 ang halaga; branded cutting blades, pekeng Lacoste shirts, pekeng bogus sigarilyo at pekeng sabon.
Pinangunahan nina Intellectual Property Office of the Philippines Director General Josephine Santiago at Deputy Director General Atty. Teodoro Pascua.
Ang nasabing mga produkto ay pawang nasabat sa mga isinagawang operasyon noong nakaraang taon. EUNICE C.
Comments are closed.