P660.5-B NAI-RELEASE NG DBM SA COVID-19 RESPONSE

Wendel E. Avisado

AABOT sa P660.5 bilyon ang inilabas ng Department of Budget and Management para labanan ng pamahalaan ang epekto ng corona-virus pandemic.

Ito ang inamin ni DBM Secretary Wendel Avisado sa virtual meeting kung saan ang pinaglaanan ay mga akitibidad at programa na may kinalaman para ibsan ang epekto ng pandemya.

“Overall, the DBM released allotments amounting to P660.5 billion to various agencies/departments for their respective COVID-19 response measures,” pagdiriin ni Avisado.

Sa nasabing bilyong halaga,  P542.64 billion o 82.2 percent ay inilaan sa kauukulang ahensiya ng pamahalaan habang ang  P487.19 billion o 89.8 ay nai-disburse na.

Sa kasalukuyan, nagsisimula na rin  ang  DBM na maghanda ng inaasahang gastusin sa 2022 national expenditure program.

Ang popondohan sa susunod na taon ay nakapokus sa booster shots sa ilalim ng vaccination program laban sa COVID-19, assistance to dis-advantaged local government units, national ID at inter-agency integration, establishment of Virology Science and Technology Institute of the Philippines, family planning, at nutrition.

“Our mission from this day forward is to address the adverse effects of the pandemic while continuing to incorporate open government principles in our COVID-19 response,” dagdag pa ni Avisado. EVELYN QUIROZ

37 thoughts on “P660.5-B NAI-RELEASE NG DBM SA COVID-19 RESPONSE”

  1. 965374 944074I used to be recommended this web site by my cousin. Im no longer sure whether this put up is written by way of him as nobody else know such exact approximately my problem. Youre amazing! Thank you! 752879

Comments are closed.