NAKATIPID ng P681,198,056.73 ang pamahalaan sa katatapos na 2022, ayon kay Procurement Service (PS)- Department of Budget and Management (DBM) Executive Director Dennis Santiago.
Ayon kay Santiago, ito ay dahil sa competitive, transparent and efficient procurement system.
Ang total savings noong 2022 ay pinakamataas na P681.198 million, kumpara sa P661.775 million noong 2020 at P559.094 million noong 2021.
Pinuri ni Santiago ang men and women ng PS-DBM para sa kanilang kasipagan at sakripisyo para matiyak ang competition, transparency at efficiency sa public procurement process.
Nagpasalamat din si Santiago kay DBM Secretary Amenah F. Pangandaman sa full support at tiwala nito sa kakayahan ng belief PS-DBM, at nangakong ipagpapatuloy ang procurement reforms sa ahensiya at itatas ang level ng service patungo sa greater heights.
“Under one PS-DBM, we look forward to achieving ‘procurement transformation,’ not only in processes, procedures and products that we procure, but the over-all transformation of PS-DBM relative to its structure, system and human resources. I want a solid and over-all transformation of PS-DBM,” ayon kay Santiago.
Sa panig naman ni Pangandaman, umaasa ito na mapapanumbalik ang magandang imahe ng PS-DBM sa kasukuyang reform initiatives ng mga official at employees nito.
“Continue to foster hard work, integrity and service to our people, and ensure that the Filipino people get the most of every peso entrusted to the government,” ayon kay Pangandaman.
Sa loob ng tatlong taon, naitala ng pamahalaan ang significant cost savings sa pamamagitan ng bulk procurement at market price monitoring gayundin ang validation. EVELYN QUIROZ