P7.71-T UTANG NG PINAS NOONG NOBYEMBRE

BTr-2

PUMALO sa ₱7.71 trillion ang outstanding debts ng gobyerno noong Nobyembre, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

Mas mababa ito ng 2.5 percent kumpara noong Oktubre, subalit mas mataas ng 7.2 percent sa ₱7.2-trillion balance noong Nobyembre  2018.

Karamihan sa utang ay nagmula sa local creditors sa ₱5.12 trillion, mas mababa sa naunang buwan.

Ayon sa BTr, ang pagbaba ay dahil sa ‘net redemptions ng domestic government securities’ at sa paghina ng halaga ng locally-issued dollar bonds bunga ng paglakas ng piso.

Ang Treasury ay gumamit ng exchange rate na  ₱50.758 sa $1 noong Nobyembre, mas malakas sa ₱50.769 value noong Oktubre. Ang local unit ay nakipagkalakalan sa ₱52.389 kontra dolyar noong Nobyembre 2018.

Gayunman, ang local debt stock ay tumaas ng ₱407.6 billion kumpara sa  outstanding loans noong Nobyembre ng nakaraang taon.

“Foreign debt, which accounted for a third of borrowings, also rose to ₱2.6 trillion as of end-November. The figure is slightly lower than the previous month with exchange rate adjustments and some loan repayments, but still added ₱107 billion year-on-year,” ayon pa sa BTr.

Ang pamahalaan ay umutang sa local at fo­reign sources upang suportahan ang spending plans ng administrasyong Duterte. Ang obligations ay kinabibilangan ng government-issued bonds, credit lines mula sa multilateral insitutions, at loans via official development assistance mula sa foreign countries.

Samantala, ang guaranteed debt — o yaong mga may payment allocations sa ilalim ng annual budget — ay nasa ₱475 billion, mas mataas sa ₱472 billion na inilaan noong 2018.

Ang pamahalaan ay nagtakda ng ₱1.19-trillion borrowing program para sa  2019, na tinatayang tataas sa ₱1.4 trillion sa 2020. Sa nasabing ha­laga, 75 percent ang ­uutangin mula sa domestic ­sources. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.