P75.6-B NAKOLEKTA NG BOC NOONG AGOSTO

UMABOT sa P75.6 billion ang koleksiyon ng Bureau of Customs (BOC) noong Agosto.

Mas mataas ito sa target ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) para sa buwan.

Sa isang statement noong weekend, sinabi ng BOC na mula January hanggang August, ang koleksiyon ng BOC ay nasa P582.133 billion, tumaas ng 4.24% mula noong nakaraang taon.

Ayon sa ahensiya, ang pagtaas ay dahil sa “episyenteng customs operations, pinalakas na trade activities, at masiglang revenue collection measures.”

“We will continue to monitor trade activities and implement measures to sustain this positive momentum in revenue collection, as part of the Bureau’s collaborative effort in further strengthening the nation’s financial standing,” sabi ni Commissioner Bienvenido Rubio.

Magmula noong February, ang BOC ay nakapagsagawa na ng 687 anti-smuggling operations, na nagresulta sa pagkakakumpiska ng P31.118 billion na halaga ng iba’t ibang smuggled goods, na pinakamataas umano sa nakalipas na limang taon.