P8.9-B PENSION NG SENIORS NAIPALABAS NA NG DSWD

DSWD-SAP2

SA GITNA ng COVID-19 pandemic, nakapag-release ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P8.9 bilyon para sa pension ng 2,973,736 senior citizens sa unang anim na buwan ng 2020.

Ito ang inanunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque sa Laging Handa briefing kahapon.

Ginawa ni Roque ang pahayag kasunod ng apela ng mga lolo at lola na i-release na ang kanilang pension mula Hulyo hanggang Disyembre.

Paliwanag ni Roque, ang kahilingan ng mga lolo at lola ay isinangguni na nila sa DSWD na siya namang naglahad na naibigay na ang 78.8% para sa mga pensioner.

Aminado naman si Roque na nagkaroon talaga ng pagkaantala sa release ng pension dahil sa pandemic at hindi maaaring magtipon-tipon lalo na ang mga matatanda na hindi maaring ljumabas ng bahay.

Umaasa ang kalihim na sa susunod na panahon ay tumaas ang porsiyento ng naipamahaging pension.

“Hayaan ninyo po, tataasan pa natin iyang porsiyentong iyan o halaga ng na-release at nabigyan habang patapos po ang taon,” dagdag ni Roque.    EVELYN QUIROZ

Comments are closed.