P8 HIKE SA BUYING PRICE SA PALAY IBINASURA NG NEDA

IBINASURA ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang panukala ng National Food Authority (NFA)  na P8 increase sa palay procurement price upang madagdagan ang rice stocks ng pamahalaan.

Ayon kina NEDA Undersecretary for Policy and Planning Rosemarie G. Edillon at Regional Development Office Assistant Secretary Mercedita A. Sombilla, ang pagtataas ng buying price sa palay sa P25 per kilo mula sa kasalukuyang P17 per kilo ay magiging inflationary.

Sinabi ni Sombilla na kumukuha ngayon ang NEDA ng updated production cost figures upang suriin ang pangangaila­ngan na taasan, at kung kinakailangan ay magkano.

“The cost is obvious: inflation and NFA debt pileup but the benefits are unclear. We will ask for an intensive cost benefit analysis first before we can agree,” wika ni Edillon.

Idinagdag ni Edillon na sa pakikipagpulong sa mga rice trader kamakailan ay nagbanta ang mga ito na kapag isinulong ng NFA ang mas mataas na palay procurement price ay magtataas din sila ng presyo.

“This means that NFA will still not be able to get a big market share,  but for sure,  price of rice will really go up.  And since rice has a big weight in the consumer basket, then yes, high inflation,” ani Edillon.

Noong Marso 2008,  nang itaas ng NFA ang buying price nito sa P17 per kilo mula sa P11 per kilo, ang inflation sa buong bansa ay nasa 5.9 percent lamang subalit noong Abril, ang sumunod na buwan, ang inflation rate ay pumalo na sa 7.3 percent.

Sa datos ng PSA ay lumitaw rin na ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay umabot pa sa double digit sa naturang taon na nasa 10.5 percent noong Agosto 2008.  JASPER ARCALAS

Comments are closed.