P901-B COLLECTION TARGET PARA SA 2023 NALAMPASAN NG BOC

NAHIGITAN ng Bureau of Customs (BOC) ang P901-billion collection target nito para sa 2023.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon briefing, sinabi ni BOC spokesperson Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla na nakapagtala rin sila ng collection surplus na mahigit P10 billion.

“Na-achieve po namin ito by – iyong ginawa po naming streamlining ng mga process namin and of course, ini-improve po namin iyong revenue efficiency namin, we tried to locate iyong mga loopholes namin and we tried to plug it, through some scientific methods na amin pong pinagtulung-tulungan, together with some private sector representatives like the Ateneo School of Government and iyong mga stakeholders po namin,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Maronilla na nakatulong ang ilang major ports para matamo at kalaunan ay malampasan ang target collection noong nakaraang taon.

“Fifty percent of the collection of the Bureau of Customs, ano na kaagad ho iyon ‘no, that’s the Manila International Container Port which 30 percent po ng volume namin and about 30 percent of our target comes from. Dadagdag po diyan iyong Batangas Port, nasa mga bentesingko porsiyento po ng aming collection ay nanggagaling diyan. And, of course, the Port of Manila, which is mga around 18 to 20 percent nanggagaling naman po,” aniya.

Ayon kay Maronilla, ang iba pang major ports na nakapag-ambag sa mataas na koleksiyon ng BOC ay ang Ports of Cebu, Davao and Cagayan de Oro, Subic, Clark, Ninoy Aquino International Aiport, Legazpi, Tacloban, Iloilo at San Fernando.

Samantala, sinabi niya na kumpiyansa ang BOC na makakamit ang P1 trillion target collection para sa 2024.

“If we continue on our track to improve further ‘yung revenue efficency namin at pag-improve ng aming processes, mas maeengganyo na mag-negosyo ‘yung mga negosyante at dumadagdag din ang mga investors natin na who are contributing dun sa rating imports and duties, by that, we are projecting to collect PHP1 trillion and I think, we can even surpass it,” dagdag pa niya.

(PNA)