GINAMIT ni Manila Mayor Isko Moreno ang halos P9 million na kanyang talent fee sa pagmomodelo upang ipambili ng tablets na napamamahagi sa mga mahihirap na estudyante ng Universidad de Manila (UDM) na pinatatakbo ng pamahalaang lungsod ng Maynila.
Ibinigay nina Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna ang donasyong tablets kay UDM President Malou Tiquia kasabay ng panawagan sa mga mag-aaral na gamitin ito ng husto at tama.
Ayon sa alkalde na produkto rin ng kahirapan at public school, batid niya ang hirap ng isang estudyante na hindi alam kung makakakain ito ng tatlong beses isang araw.
Sa pamamagitan ng tablet na isang requirement sa blended online learning dulot ng pandemya, inaasahan ni Moreno at Lacuna na magagamit ng mga mahihirap na estudyante ang tablet upang makapag-aral ng husto. VERLIN RUIZ
Comments are closed.