(Paalala ng BSP) NATUPING P1K POLYMER BILLS DAPAT TANGGAPIN

MULING pinaalalahanan ng  Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na dapat pa ring tanggapin ang mga natuping P1,000 polymer banknotes.

Nagpalabas ang BSP ng joint advisory kasama ang Department of Trade and Industry, Department of the Interior and Local Government, at  Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa isyu sa gitna ng mga ulat na ilang tao at establisimiyento ang tumatangging tanggapin ang folded plastic bills sa paniniwalang hindi na ito maaaring gamitin o ipambayad.

“Kesyo may tupi raw ang polymer, kesyo may lukot daw po, hindi po totoo ‘yan. Dapat pong tanggapin, ipinalabas po ng BSP ang advisory na ‘yan para maliwanagan po ang ating mamayan,” sabi ni Nenette Malabrigo, Bank Office V of the Currency Policy and Integrity Department of the BSP.

Ayon kay Malabrigo, ang mga hindi susunod ay mahaharap sa parusang pagkabilanggo ng hanggang 10 taon.

Sinabi ng  BSP na naglagay ang mga ahensiya ng pamahalaan ng hotlines at email addresses kung saan maaaring i-report ng mga  consumer ang mga establisimiyento/tao na hindi tatanggapin ang folded notes.

Ang mga hindi susunod ay maaaring i-report ng mga consumer sa mga sumusunod na hotlines at  emails:

Samantala, sinabi ng Philippine Retailers Association (PRA) na ipagbibigay-alam nila sa kanilang mga miyembro ang tungkol sa advisory at aatasan ang mga ito na tanggapin ang folded P1,000 polymer bills.

LIZA SORIANO