NAGPAALALA ang pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa kanilang mga opisyal at empleyado kaugnay sa pagbabawal sa pagtanggap ng regalo ngayong Kapaskuhan.
Sa inilabas na abiso ng LTFRB, nakapailalim sa RA 6713 at Memorandum Order No. 2016-002 ang ‘no gift’ policy na nag-sasabing bawal humingi at tumanggap ng regalo, direkta man o hindi sa kanyang mga opisyal at tauhan.
Una nang sinabi ng Civil Service Commission (CSC) na kung sino mang government employees na lumabag dito ay maaaring suspendihin o masibak sa puwesto. DWIZ882
Comments are closed.