PAALAM, BACYADAN SISIMULAN NA ANG KAMPANYA SA PARIS

PARIS— Sisimulan nina Tokyo Games silver medalist Carlo Paalam at rookie Hergie Bacyadan ang kanilang kampanya sa 20024 Paris Olympics ngayong Martes (Miyerkoles sa Manila) sa North Paris Arena.

Si Bacyadan, ng Tabuk, Kalinga, ay nahaharap sa pinakamabigat na hamon sa kanyang buhay sa pagsagupa kay top seed Chinese Li Qian sa round-of-16 ng women’s 75kg class.

Makakabangga naman ni Paalam si Jude Gallagher ng Ireland sa round-of-16 din ng men’s 57kg class sa laban na hindi maaaring magkampante ang dating basurero mula sa Cagayan de Oro.

Sa taas na 5-foot-10, ang Chinese ay may malaking bentahe kontra 5-foot-6 Bacyadan na nagpapahiwatig ng mabuti sa kanyang hangarin na matapos ang unfinished business sa Olympics.

Siya ay bronze medalist sa Rio de Janeiro Games at silver finisher sa Covid-delayed 2020 Tokyo Games.

Si Paalam ay dumaan sa maraming adjustments makaraang lumipat sa featherweight mula flyweight subalit nagawang malusutan ang lahat ng ito.

Sina Paalam at Bacyadan ay tutungo sa arena na fully inspired ng panalo ni Aira Villegas noong Linggo.