ISANG panalo na lamang ang kailangan ni Carlo Paalam para masungkit ang ikalawang gold medal ng Pilipinas sa Tokyo Olympics.
Ginapi ng Pinoy boxer si hometown bet Ryomei Tanaka ng Japan sa semifinals ng men’s flyweight division ng boxing event ng quadrennial meet sa pamamagitan ng unanimous decision Huwebes sa Kokugikan Arena
Sa panalo ay nakasisiguro na si Paalam, 23, ng silver medal.
Mula sa umpisa ay naging agresibo si Paalam kung saan nagpakawala siya ng malalakas na suntok laban kay Tanaka sa first round upang paboran ng lahat ng limang judges, 10-9. Patuloy siyang kumonekta sa second round upang kunin ang 10-9 scorecard.
Sa finals ay makakasagupa ni Paalam si Galal Yafai ng Great Britain, na namayani kay Saken Bibossinov ng Kazakhstan sa pamamagitan ng split decision sa isa pang semifinal pairing.
Umabante si Paalam sa semifinals makaraang gulantangin si Olympic at world champion Shakhobidin Zoirov ng Uzbekistan sa quarterfinal round. CLYDE MARIANO
226957 424620View the following ideas less than and locate to know how to observe this situation whilst you project your home business today. Earn cash from home 359121
187552 843573Some genuinely good stuff on this site , I it. 64978
492917 461228Wow Da weiss man, wo es hingehen muss Viele Grsse Mirta 861202