PAALAM, SIR RUDY MENDOZA

on the spot- pilipino mirror

ANO ba ‘yan,  iti-trade ang guard player na ito dahil sa pangangaliwa sa kanyang asawa.  Ayaw madungisan ang imahe ng team kaya minamadali na mailipat ang basketbolista  sa ibang koponan.

Tatanggalin ang player sa mother team pero sa sister team naman siya ililipat. Pagkatapos nito ay dadalhin naman siya sa sister team din nila para  umano i-tandem ito sa sikat na player ng crowd favorite. Akala ko ba ay pinangangalagaan ang imahe ng company?  Iisa lang din naman ang kompanya, naiba lang ang pangalan ng team.



Noong Wednesday ay pumanaw ang father ni ex- PBA player  Paolo Mendoza ng Sta. Lucia Realtors na si Mr. Rudy Mendoza. Kilala si Sir Rudy sa basketball, gayundin sa karera ng kabayo. Sa edad na 75 ay namatay ang sportsman dahil sa atake sa puso.

Napakabait niya at siguradong hindi siya makakalimutan ng mga sportswriter. Napaka-generous niya sa lahat, lalo na sa mga kaibigang sportswriter.

Condolence sa mga naulila ni Sir Rudy. Kahapon ay inilibing na rin siya. Hinding-hindi ka namin makakalimutan, Sir Rudy. Till we meet again.



Noong Wednesday ng hapon ay inilunsad ang bagong uniporme ng Barangay Ginebra na ginawa virtually. Simple ang bagong jersey ng Gin Kings pero eleante.

Puwedeng magkaroon ang fans nito, bibilhin nila ito. Sa pagbili ng jersey ay makatutulong ka sa mga kababayan natin na lubhang  naapektuhan ng COVID-19. Suportahan natin ang Brgy Nation ng Ginebra.

2 thoughts on “PAALAM, SIR RUDY MENDOZA”

Comments are closed.