PAALAM SUMUNTOK NG GINTO SA ASIAN ELITE TILT

NADOMINAHAN ni Filipino Olympic silver medalist at boxer Carlo Paalam ang ASBC Asian Elite Men & Women Boxing Championship sa Amman, Jordan.

Tinalo ni Paalam si Makhmud Sabyrkhan ng Kazakhstan via split decision sa finals ng men’s bantamweight 54kg event upang maiuwi ang gold.

Bago ang kanyang gold medal win, ginapi ni Paalam si Sanzhai Seidakmatov ng Kyrgyzstan sa semis upang makausad sa title clash.

Samantala, inangkin ni Olympic bronze medalist Nesthy Petecio ang bronze sa iwomen’s featherweight 57kg event.

Makaraang talunin si Nilawan Techasuep ng Thailand sa quarterfinals, yumuko siya kay Karina Ibragimova ng Kazakhstan sa women’s featherweight semis.

Nagwagi rin si Hergie Bacyadan ng bronze kasunod ng dikit na pagkatalo kay Sokhiba Ruzmetova ng Uzbekistan sa women’s middleweight semifinals.