PAANO MAIIWASAN ANG AKSIDENTE SA PAGMAMANEHO

patnubay ng driver

(Pagpapatuloy…)

PAGMAMANEHO NG NAKAINOM NG ALAK

Sa karugtong na pahayag ni Mitos, non-life insurance manager sa California, sinabi nito na ang mga lasingdrayber na res­ponsable naman at maingat kung magmamaneho sila nang nakainom ng alak ay hindi rin ligtas (immune) sa aksidente.

Noong 2008, sa estadistika na kanilang nakalap sa US, mahigit sa 37,000 katao ang nasawi sa mga aksidente sa pagmamaneho ng nakainom ng alak.

Kaya mahigpit na ipinagbabawal sa US sa mga drayber ang uminom kahit na katiting na alak dahil sa ito ay makaaapekto sa pagmamaneho, dagdag pa ni Mitos.

PAGLALAGOM NI JESS SA AMING PANAYAM

Naging mahaba ang aking panayam kay Jess. Nakailang round kami ng cup of coffee bago natapos ang aming diskusyon sa  kung papaano maiiwasan ang aksidente sa pagmamaneho.

Pangaral ni Jess sa ating mga kapasada: “ang pagsunod sa batas trapiko, pagsusuot ng seat belt, pagpapanatiling nasa top condition ang minamanehong sasakyan, at pag-iwas na magmaneho nang nakainom ng anumang inuming nakalalasing o droga ay makatutulong para maingatan ang sariling buhay o ng iba pang kalinya ng iyong hanapbuhay,” pagtatapos niJess.

Sa kasangguning Jess, marami pong salamat!.

MASAMANG EPEKTO NG PAGMAMANEHO KAPAG INAANTOK

Bakit hindi dapat magmaneho kung inaantok? Narito ang paliwanag at unawain.sleepy

Ayon sa pahayag ng isang opisyal ng U.S. National Sleep Foundation, ang pagmamaneho nang inaantok ay lubhang mapaganib dahil:

  1. Hindi ka makakapag-concentrate sa pagmamaneho, kurap ka nang kurap at kalimitan na namimigat ang talukap ng iyong mga mata.
  2. Kung inabot ng pagkaantok sa pagmamaneho, karaniwang napapatango ang ulo na sa isang iglap ay may ‘di mabuting nangyayari.
  3. Hikab ka nang hikab na nakababawas sa konsentrasyon at antas nang matinong pagmamaneho.
  4. Nagdudulot ng kalituhan sa isipan. Hindi mo matandaan ang mga dinaanan mo.
  5. Dahil sa pagkaantok, lumalampas ka sa mga exit at hindi napapansin ang mga traffic sign.
  6. Nasasadlak ka sa kasabihang splitting lane, napupunta sa ibang linya, napapatutok sa sinusundang sasakyan (tail gating) o sumasadsad ka sa gilid ng bangketa.
  7. Lunas, kapag inabot ka ng pagkaantok sa pagmamaneho, makabubuting papalit ka sa kasamang marunong magmaneho o kaya naman, humanap ka ng isang gasoline station o isang parke na ligtas na makapagpaparada ng sasakyan at umidlip ng mga 10 minuto bago bumalik sa pagmamaneho.

Higit na mahalaga ang kaligtasan mo o ng ibang maaaring madamay sa aksidenteng malilikha mo kaysa maikling panahong magiging abala mo kung susundin mo ang kahingian ng ‘defensive driving’ na paulit-ulit na ipinaaalala sa inyo ng Patnubay ng Drayber.

KUNG ‘DI SANGKOT SA TRAFFIC ACCIDENT, ANO ANG DAPAT GAWIN?

Ang aksidente ay isang pangyayaring hindi inaasahan. Simple man tulad ng isang maliit na banggaan o grabe tulad ng pagkakasaga sa tao, ito ay maaaring mangyari kailanman, saanman o kanino man.

Ito ay maaaring kagagawan ng isang drayber, isang tumatawid, pagkasira ng sasakyan o ng kakulangan ng mga traffic sign sa peligrosong kalsada.

Kung hindi ikaw ang drayber na nasangkot, isipin kung anong tulong ang magagawa at gawin ito kaagad.  Halimbawa ay sa isang kaso ng hit-and-run: kung nasaksihan ang pangyayari, kunin ang plate number ng sasakyang nakadisgrasya at tandaan ang kulay, tipo at model nito.

Tiyakin din hangga’t maaari na makilala ang saskyang kasangkot sa hit-and-run.

Kung wala namang magagawa upang makatulong sa isang aksidente, makabubuting ipagpatuloy ang pagmamaneho at huwag nang makiusyoso pa para hindi makasagabal sa pinangyarihan ng aksidente at sa mga taong sangkot at may kapangyarihan.

Iwasan din ang magsindi ng sigarilyo o magtapon ng posporong may sindi sa eksena ng aksidente dahil baka may tumutulong langis o gasolina sa sasakyang kasangkot na magiging mitsa nang pagkakaroon ng sunog.

Kung ikaw naman ang kasangkot na drayber, ang unang dapat gawin ay manatiling mahinahon.  Walang magagawang mabuti kung matataranta kaagad.

Kung may nasaktan sa aksidente, saklolohan siya kaagad.  Magpatawag ng manggagamot o ambulansiya o kung ito ay imposibleng magawa nang mabilisan, bigyan siya ng karampatang unang lunas (first aid.)

LAGING TATANDAAN: UMIWAS SA AKSIDENTE UPANG BUHAY AY BUMUTI.

HAPPY MOTORING!

Comments are closed.