PABAHAY NG EPD REGALO SA 72-ANYOS NA NANAY

pabahay

LAKING tuwa ni Nanay Merlita Villamor Rabino nang maipagkaloob ang Pabahay ng EPD bilang regalo sa kanyang ika-72 na kaarawan at bilang Pamaskong Handog ng Eastern Police District sa pamumuno ni PBGEN MATTHEW P BACCAY, District Director EPD sa araw mismo ng Pasko sa Bulalad Settlement, Barangay Nangka, Marikina City.

Si Nanay Merlita ay isa sa napiling benepisaryo ng “Pamaskong Pabahay ng EPD”na naglalayong ayusin ang mga nasirang bahay mula sa mahirap na pamilya na sinalanta ng pagbaha sanhi ng Bagyong Ulysses na nag-iwan ng matin­ding pinsala sa lungsod ng Marikina.

Kahapon ng umaga pinamunuan ni PBGEN BACCAY, ang ama ng kapulisan ng Metro East kasama sina PCol Restituto Arcangel, COP Marikina; PLtCol Vivencia Ocam­po, Chief DCADD; at PMaj Eric  Cister, Deputy DCADD ang pagkakaloob ng naipatayong pabahay kay Nanay Merlita.

Bilang karagdagan, nagbahagi rin ng mga kaga­mitan sa bahay tulad ng mga gamit sa kusina, beddings, grocery items at iba pa pang gamit sa bahay.

Laking pasasalamat ni Nanay Merlita sa buong kapulisan ng EPD sa pagbibigay ng isang bagong kanlungan para sa kanyang pamilya, isang bahay na maaari siyang magsimula muli.

“Ito na marahil ang pinakamasayang pasko at pinakamasayang kaarawan sa tanan ng aking buhay sapagkat ito ang unang kong pagkakataong tumira sa isang maayos na bahay” naiiyak na kwento ni nanay Merlita.

Ang proyekto ay pa­ngako ng EPD hindi lamang upang paglingkuran at protektahan ang mamamayan, ngunit upang matiyak din ang kapakanan ng mga nasasakupan. ELMA MORALES

Comments are closed.