NEGROS OCCIDENTAL – SINALAKAY ng nasa 1,500 miyembro ng Kadamay ang housing project ng National Housing Authority (NHA) para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Lungsod ng Bacolod kahapon ng umaga.
Inamin ni Kadamay Negros Secretary-General Ereneo Luminos na kanilang mga miyembro ang pumasok sa Ciudad Felisa sa Barangay Felisa, Bacolod City, pasado alas-8:00 ng umaga.
Taong 2015 nang itayo ang housing project sa 10 ektaryang lupain at ito ay binubuo ng 1,498 housing units at nagkakahalaga ng P162 milyon.
Ayon kay Luminos, marami ang mga pamilyang walang sariling bahay sa Bacolod ngunit nakatiwangwang lang naman pala ang housing project na itinayo ng gobyerno.
Giit ng Kadamay, walong bahay pa lang sa housing unit ang inukopa ng benepisyaryong pulis.
Sinabi naman ni NHA Bacolod head Engr. Alejandro Ongsuco na na-award na sa AFP at PNP benefeciaries ang mga housing unit. EUNICE C.
Comments are closed.