PABORITONG PAGKAIN NG ATING MGA BAYANI

TINOLANG MANOK

NAPAKAHILIG nga naman nating mga Filipino sa pagkain. Kaya’t hindi rin maitatangging may mga paboritong pagkain ang ating mga bayani.

Narito ang ilan sa mga paboritong pagkain ng ating mga bayani:

TINOLANG MANOK NI JOSE RIZAL

Pagdating naman sa pagkain, paborito ng a­ting pambansang bayaning si Jose Rizal ang tinolang manok. Sa kanyang bersiyon, may sangkap na kalabasa imbes na sayote ang kanyang kinahihiligang tinolang manok.

NILITSONG MANOK SA SAHA NG SAGING ANG KAY BONIFACIO

Nilitsong manok sa saha ng saging naman ang paborito ng ating Katipunerong si Andres Bonifacio. Ang kaibahan lang nito sa ibang litson ay binabalutan ito ng dahon ng saging at sampalok bago lutuin. Ang ka-partner naman nitong sawsawan ay gawa sa atay ng manok.

POTCHERONG BAKA O BABOY NI DEL PILAR

Potcherong baka o baboy, iyan naman ang paborito ni Marcelo H. Del Pilar. Pinakukuluan nito ang karne ng baboy o baka kasama ang ka­matis, kamote, garbanzos, at repolyo hanggang sa maluto at lumapot.

ARROZ ALA CUBANA KAY GREGORIO DEL PILAR

Arroz ala Cubana naman ang paborito ni Gregorio del Pilar. Mas magarbo ang paghahanda nito sa mga Filipino dahil mayroon itong pritong saba at giniling na karne kasama ng kanin at pritong itlog. Maaari itong kainin bilang agahan.

NILAGANG MANOK NA MAY ASPARAGUS NI AGUINALDO

Nilagang manok na nilagyan ng paborito nitong gulay na asparagus naman ang paborito ni Aguinaldo.

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa ating mga bayani at ang paborito nilang pagkain. CS SALUD

Comments are closed.