PACERS MINASAKER NG WARRIORS

stephen curry-6

NAITALA ni Stephen Curry ang 23 sa kanyang game-high 26 points sa first half nang paglaruan ng Golden State ang Indiana sa Indianapolis, 132-100.

Naitarak ng Warriors ang ika-11 sunod na panalo, ika-10 sunod sa road, laban sa Pacers team na noong nakaraang season ay naging unang Eastern Conference club sa five-year Steve Kerr coaching era na winalis ang season series sa Golden State.

Sumalang sa kanyang ika-5 laro pa lamang, nagpasabog si DeMarcus Cousins ng season-best 22 points para sa Warriors, na tinapos ang 5-0 road trip. Nagdagdag sina Kevin Durant at Klay Thompson ng tig-16 points.

Nanguna naman si Myles Turner para sa Pacers na may 16 points.

NUGGETS 95, GRIZZLIES 92

Kumana si Nikola Jokic ng 24 points, kabilang ang isang go-ahead basket, may 28.9 segundo ang nalalabi, at binura ng bumibisitang Denver Nug-gets ang 25 points deficit upang maungusan ang Memphis Grizzlies noong Lunes ng gabi.

Tumipa si Will Barton ng 20 points, at naiposte ni Malik Beasley ang 13 sa kanyang 18 points sa fourth quarter – nang maghabol ang Nuggets ng hanggang  19 – upang tulungan ang Denver na magwagi na wala si Jamal Murray. Ang point guard ay hindi nakapaglaro sa ikalawang sunod na pagka-kataon dahil sa ankle injury.

Gumawa si Marc Gasol ng 28 points at 9 rebounds, at kumamada si Mike Conley ng 23 points at 11 assists para sa Memphis,  na natalo ng 15 sa 17 games.

CELTICS 112, NETS 104

Umiskor sina Jaylen Brown at Marcus Smart ng tig-21 points, at nadominahan ng Boston ang fourth quarter upang mapalawig ang kanilang home winning streak laban sa Brooklyn sa anim.

Tinalo ng Celtics ang Nets sa ika-11 pagkakataon sa nakalipas na 12  meetings overall.

HORNETS 101, KNICKS 92

Pinangunahan nina Tony Parker at Jeremy Lamb ang balanseng atake na may tig-15 points upang tulungan ang Charlotte sa panalo kontra New York.

Tumipa si Kevin Knox ng 19 points para sa Knicks,  na natalo ng 10 sunod at 18 sa kanilang huling 19 games.

HAWKS 123, CLIPPERS 118

Nagbuhos si rookie Trae Young ng 26 points at nagdagdag si John Collins ng  22 nang igupo ng Atlanta ang Los Angeles upang umangat sa 2-1 sa pagsisimula ng season-high, seven-game road trip.

Nag-ambag si Alex Len ng 19 points para sa Hawks,  na tinalo ang isang Pacific Division team sa unang pagkakataon sa anim na pagtatangka nga-yong  season.

Umiskor si Tobias Harris ng 30 points para sa Clippers, na natalo ng lima sa kanilang huling anim na  home games.

Comments are closed.