PACERS PINASO NG HEAT

NAGBALIK mula sa three-game injury absence, napantayan ni Tyler Herro ang game-high honors na may 26 points upang pangunahan ang Miami Heat sa 125-96 panalo laban sa bisitang Indiana Pacers, Martes ng gabi.

Napantayan ng Heat ang franchise record na may 22 3-pointers, sa pagbuslo ng 44.9 percent mula sa long distance at 49.5 percent overall.

Nagbuhos si Duncan Robinson ng 26 points para sa Heat, kung saan naipasok niya ang 10 sa kanyang16 tira mula ss floor at 6 sa 10 mula sa long range.

Tumapos si Kyle Lowry ng game-high 12 assists, 11 rebounds at 8 points para sa Miami.

Nagbida para sa Indiana sina Caris LeVert at Chris Duarte, na tumipa ng tig-17 points. Balik-laro na rin si point guard Malcolm Brogdon, na lumiban sa pinakahuling laro ng Indiana dahil sa foot injury, ngunit naglaro lamang ng walong minuto.

MAVERICKS 114,

TIMBERWOLVES 102

Umiskor si Jalen Brunson ng 28 points at nagbigay ng 6 assists nang gapiin ng Dallas ang bisitang Minnesota.

Nagdagdag si Dorian Finney-Smith ng 19 points, 6 rebounds at 5 assists para sa Mavericks, na naiganti ang road loss sa Timberwolves, dalawang gabi pa lamang ang nakalilipas. Nag-ambag si Dwight Powell ng15 points at kumubra si Sterling Brown ng 12 points at 11 rebounds.

Kumamada si Karl-Anthony Towns ng team highs na 26 points at 14 rebounds, na sinamahan ng 7 assists para sa Minnesota. Kumabig si Malik Beasley ng 22 points para sa Timberwolves, na naputol ang four-game winning streak.

SUNS 108,

LAKERS 90

Naiposte ni Devin Booker ng 24 points sa kanyang ikalawang laro mula sa hamstring injury at napalawig ng bisitang Phoenix ang kanilang winning streak sa apat na laro sa panalo laban sa Los Angeles.

Nagdagdag si Deandre Ayton ng19 points at 11 rebounds at tumipa si Mikal Bridges ng 14 points para sa Suns, na nakabawi sa mabagal na simula para maitala ang ika-24 panalo sa kanilang huling  26 games. Kumubra si Chris Paul ng 11 points at 9 assists.

Tumirada si LeBron James ng 34 points para sa Lakers, na nalasap ang ikatlong sunod na kabiguan.

Nag-ambag si Russell Westbrook ng 22 points at10 rebounds. Na-injure ni James ang kanyang left ankle sa third quarter subalit nanatili sa laro bagaman apektado ang kanyang galaw.

Sa iba pang laro, nadominahan ng Pelicans ang Trail Blazers, 111-97, at dnispatsa ng Knicks ang Pistons, 105-91.