KUMPIYANSA ang kampo ni American boxer Adrien Broner na maaagaw nila kay Filipino ring icon at Sen. Manny Pacquiao ang WBA welter-weight belt.
Sa final press conference na ginanap sa Las Vegas, sinabi ng trainer ni Broner na si Kevin Cunningham na magpapakitang-gilas ang kanyang alaga sa bakbakan nila sa Enero 19 (Enero 20 sa Pinas).
Ayon kay Cunningham, uuwi si Pacquiao na wala nang titulo at makokoronahan si Broner bilang bagong WBA 147-pound king.
Sa kanyang panig ay sinabi naman ni Pacquiao na hindi niya hahayaan na maulit ang nangyari noong 2012 kung saan napatumba siya ni Mexican champ Juan Manuel Marquez.
“I know he is going to counter me but we’re ready for that. What happened in the Juan Manuel Marquez fight will not happen again. It was a mistake and I learned that mistake. We’ve worked on that in this training camp. I am prepared for Broner’s style,” sabi pa ni Pacquiao.
Ipinagkibit-balikat din ng eight-division world champion ang maaanghang na salita ni Broner laban sa kanya.
“I don’t care that he’s an eight-time world champion in all the weight classes. Sh*t, I don’t care ‘bout none of that. All I’m wor-ried about is, as long as I’m getting my money, right? We can have a nice fight,” sabi ni Broner.
Hindi naman ito pinansin ng Team Pacquiao na nakangiti lamang sa buong presscon.
“(It’s) Nothing personal. Outside the ring… we’ll always be friendly if you want to be friends with us,” sabi ni Pacquiao. “But this coming Saturday, like I said, we worked hard, we should give our best to the fans.”
Comments are closed.