PACQUIAO-CRAWFORD FIGHT SA HUNYO 5?

pacquia-Crawford

NAKIKIPAG-USAP na si Filipino boxing icon Manny Pacquiao kay unbeaten American Terence Crawford para sa kanilang laban sa darating na Hunyo, ayon sa report mula sa The Athletic.

Tinukoy ang hindi pinangalanang sources, iniulat ni Mike Coppinger ng The Athletic na ang laban ay target na idaos sa Hunyo 5 sa Abu Dhabi.

Inabisuhan umano ng Top Rank ang ESPN at ang pay-per-view distributor, In Demand, para sa posibleng bakbakan sa Hunyo 5.

Si Pacquiao, 42, ay hindi pa lumalaban magmula noong Hulyo 2019 kung saan tinalo niya si  American boxer Keith Thurman. Sa panalo ay nakopo  niya ang  “super” version ng WBA welterweight championship, ngunit idineklara siyang “champion in recess” ng organisasyon dahil sa ‘inactivity’.

Dahil sa COVID-19 pandemic ay hindi nakalaban si Pacquiao  noong 2020.  Hindi natuloy ang planong mega-bout kontra mixed martial arts superstar Conor McGregor makaraang matalo ang Irishman kay Dustin Poirier noong Enero.

Samantala, ang 33-anyos na si Crawford ay huling lumaban noong Nobyembre nang gapiin niya si Kell Brook upang madepensahan ang kanyang WBO belt. Ang American ay umangat sa 37-0 na may 28 knockouts.

Sa report ni Coppinger, si Crawford ang magiging pinakamahigpit na challenger ni Pacquiao magmula nang sagupain niya si Floyd Mayweather noong Mayo 2015.

Noong Enero ay sinabi ni Pacquiao na si  Crawford ang isa sa mga posible niyang makalaban, bagama’t binanggit din niya ang pangalan nina Mikey Garcia at Errol Spence bilang mga kandidato.

One thought on “PACQUIAO-CRAWFORD FIGHT SA HUNYO 5?”

  1. 爆乳 ラブドール ダッチワイフは本物の女性に取って代わることができますか?小児性愛者のためのリアルな子供のセックス人形!ダッチワイフの所有者に提案された5つの映画正確なダッチワイフの最高の種類は何ですか?

Comments are closed.