WALANG kaalam-alam ang marami na bago ang laban ni Manny Pacquiao kay Lucas Matthysse ay dinala ito sa ospital noong Hulyo 8.
Ayon kay Aquiles Zonio, si Pacquiao ay sumailalim sa angiogram sa Cardinal Santos Memorial Hospital para malaman ang kondisyon nito matapos mahirapang huminga habang naghahanda sa laban nila ni Matthysse para sa world welterweight title.
Isang test na ginagamitan ng X-ray ang angiogram para masuri ang ugat sa puso kung may nakabara na pumipigil sa pagdaloy ng dugo dito.
“Unknown to many, Pacquiao was rushed to Cardinal Santos Memorial Hospital around 3:00pm on July 8 after he complained about difficulty in breathing several times during the duration of his preparation for the July 15 Matthysse fight,” ani Zonio.
Ayon sa senador, matapos siyang ma-angiogram, sinabihan siya ng mga doktor na mayroon siyang ‘inborn heart ailment’ kaya pinayuhan na ikansela na lang ang laban kay Matthysse.
Pero hindi pumayag si Pacquiao na kanselahin ang kanyang laban kaya pinapirma na lang siya ng waiver ng mga doktor. VICKY CERVALES
Comments are closed.