PACQUIAO SUPORTADO ANG PAGPASOK SA SHOWBIZ NG MGA ANAK

on the spot- pilipino mirror

GAME 2 ngayon ng best-of-seven finals series sa pagitan ng Barangay Ginebra at ng TNT. Nakauna ang tropa ni coach Tim Cone via overtime. Si Japeth Aguilar ang naging ‘best player of the game’ opener ng  serye ng Tropang Giga at Gin Kings.

Delikado ang kampo ng TNT dahil may kalabuang makapaglaro si Bobby ‘Ray’ Parks Jr. na iniinda ang kanyang binti na masyado yatang napagod. Kung gamitin man ito mamayang gabi ay hindi 100% ang ilalaro ni Parks hindi tulad sa nauna niyang mga laro. Pati si Jason Castro ay malabo rin na makatulong nang husto. Kaya kulang ang tao ni coach Bong Ravena. Aasahan ni coach  Ravena ang mga kalibre nina Troy Rosario, Ryan Reyes, RR Pogoy, Harvey Carey, at Jay Washington.

Sigurado naman na lalong titindi ang paglalaro ng Ginebra lalo na’t matagal na nilang inaasam ang Philippine Cup crown. Itong conference na lang ang hindi pa nakukuha ng Gin Kings. Kapit kamay pa rin sina Stanley Pringle, Scottie  Thompson, L.A Tenorio, Joe Devance, Aljon Mariano, at Japeth Aguilar. Huwag ismolin ang kalibre nina rookie Arvin Tolentino at Prince Caperal na malaki rin ang naitutulong sa team. Abangan ang game mamayang gabi.

o0o

Handa umanong suportahan ni Senator Manny Pacquiao ang mga anak na lalaki kung papasukin nila ang showbiz. Huwag lang daw ang boxing ang pasukin ng mga anak. Ayaw ng ‘Pambansang Kamao’ na magboksing ang mga ito. Isang seryosong sport daw ito. At ayaw niyang may sumunod pa sa kanyang yapak

Si Jimuel na panganay ni Pacquiao ay nasubukan nang magboksing bilang amateur. Sa kasalukuyan ay nagkakainteres ito sa pag- arte. Katunayan ay nagwo-workshop na ang 19-anyos na batang Pacquiao.  Habang ang pangalawang anak na lalaki na si Michael ay singing naman ang kursunada. Nagra-rap si Michael at nagko-compose din ito ng mga kanta. Good luck sa mga Pacquiao

o0o

Buti naman at umuwi na sa Pampanga itong si Ronald Pascual. Tulad ng pangako nina Ian  Sangalang at Calvin Abueva ay bibisitahin nila si Pascual pagkalabas nila sa PBA bubble. Nabuhayan ng loob si Ronald nang  makita ang mga dating teammates sa San Sabasitan College. Pinayuhan ng dalawa ang dating teammate. Tsika ng On The Spot, babalik si Ronald para muling makapaglaro, kung hindi ako nagkakamali ay sa kampo ng Magnolia  Hotshots siya muling lalaro.  Mabubuo muli ang PINATUBO trio  nina Abueva, Sangalang at Pascual.

Sana nga ay magtuloy-tuloy na ang pagbabago ni Ronald, ibalik niya ang dating sigla sa paglalaro, mahusay pa naman ito. Nawala lang sa wisyo na buong akala niya nang mawalan siya ng team sa PBA ay katapusan na ng mundo. Go, Ronald, ang mga fans mo ay naghihintay sa iyong pagbabalik, higit sa lahat ang iyong pamilya na labis natutuwa sa pagbabalik-aksiyon mo.

Comments are closed.