MAPAPANOOD ng Pinoy fans ang bakbakan nina eight-division world boxing champion at Senator Manny Pacquiao at Cu-an boxer Yordenis Ugas para sa WBA welterweight title sa Linggo (August 22) sa free TV via GMA Network, sa pakikipagpartner sa TAP Digital Media Ventures Corp.
Masasaksihan ang boxing showdown, na gaganapin sa Las Vegas, Nevada, via satellite sa GMA sa alas-11 ng umaga habang ang live blow-by-blow coverage ay eksklusibong mapakikinggan sa flagship AM radio station Super Radyo DZBB 594 ng network at sa lahat ng Super Radyo stations sa buong bansa sa alas-9 ng umaga.
Orihinal na makakalaban ng Filipino boxing icom si Unified Welterweight champion Errol Spence, Jr. subalit umatras ito makaraang magtamo ng eye injury.
Pinalitan siya ng 35-anyos na si Ugas, bronze medalist sa 2008 BeijingOlympics, at nagwagi sa 11 sa kanyang huling 12 laban. Ang kanyang nag-iisang talo ay kontra American Shawn Porter via split decision noong Marso 2019.
Pumayag si Ugas na itaya ang kanyang WBA welterweight championship belt laban sa Filipino champ, at sinabing ito “ang pinakamahalagang laban sa kanyang buhay.”
Si Pacquiao, 42, ay huling lumaban noong 2019, kung saan nakopo niya ang WBA super welterweight title kontra American box-r Keith Thurman.
Mapapanood ang replay ng’Pacquiao vs Ugas: The Legend vs The Olympian’ sa kaparehong araw sa alas-10:30 ng gabi sa GMA.
244268 482550Excellent post, thanks so significantly for sharing. Do you happen to have an RSS feed I can subscribe to? 674116