PAG-AARALAN ng Department of Trade and Industry (DTI) ang apela na taasan ang presyo ng mga panguna- hing bilihin, partikular na ang mga de- lata at noche buena products.
Sa pahayag ng DTI, ilang manufacturers ng sardinas, gatas, sabon, kape, corned beef, at panimpla ang humihirit ng dag-dag-presyo sa kanilang produkto.
Hanggang 11 porsiyento ang gustong itaas o maglalaro ng P0.25 centavos hanggang P1.25 kada piraso.
Sa noche buena products naman ang mga manufacturer ng hamon ay humihirit ng dagdag na piso hang-gang apat na porsiyento o katumbas ng P7.00 hanggang P20.00 kada piraso.
Comments are closed.