MASUSING pag-aaralan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board(LTFRB) ang petisyong dagdag pasahe ng mga jeepney driver at operator sa bansa.
Ayon kay LTFRB board member Atty. Mercy Jane Paras-Leynes, bubusisiin ng ahensiya ang hirit na fare hike upang makapaglabas ng magandang desisyon sa harap na rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ngunit may tinitingnan pa, aniya, silang ibang salik gaya ng magiging epekto nitong pagtaas sa mga pasahero at sa overall na inflation ng bansa.
Samantala, natanggap na ng LTFRB ang position paper ng National Economic and Development Authority (NEDA) tungkol sa hirit na fare hike ng mga jeep, pero hinihintay pa rin nila ang pag-aaral tungkol sa panukalang dagdag-pasahe na rin ng mga bus, taxi at UV Express.
Sa ngayon, nasa P11 pa rin ang minimum na pamasahe sa mga tradisyunal na jeepney.
DWIZ 882